Pinag-aaralan na ng Supreme Court at ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na nakabase sa The Hague, Netherlands ang posibilidad ng pagdaraos ng pagdinig ng PCA sa Pilipinas.
Tinukoy ni PCA Secretary General Dr. Marcin Czepelak ang posibleng partnership sa isinagawang courtesy visit kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo sa Supreme Court.
Sinabi ni Secretary General Czepelak na mangagaling ito sa pamamagitan ng Host Country Agreement kung saan maaring magdaos ang PCA ng mga pagdinig na gagawin sa mga pasilidad na itatakda ng Supreme Court.
Kasama sa pulong nila Czepelak at Gesmundo ay si Eduardo Malaya, Philippine Ambassador to The Netherlands para saksihan ang paglagda ng cooperation agreement sa Philippine Dispute Resolution Center, Inc. (PDRCI) hinggil sa pagamit ng mga pasilidad.
Batay sa kasunduan maaring magsagawa ng hearings batay sa PCA rules.
“Established in 1899, the PCA plays a crucial role in facilitating the peaceful resolution of international legal disputes through arbitration.”
Sa pagbisita ni Czepelak muling tiniyak ni Gesmundo ang commitment ng korte na suportahan ang mga aktibidad na magpapatibay sa international law.
“To ensure that the rule of law prevails in the whole world.”
Siniguro din ng punong mahistrado kay Czepelak na handa ang SC na tulungan ang PCA at ang The Hague Conference on International Private Law (HCCH) sa kanilang mga aktibidad. Teresa Tavares