Home METRO ‘Person of interest’ sa pagsaboy ng asido sa lady guard, arestado na

‘Person of interest’ sa pagsaboy ng asido sa lady guard, arestado na

MANILA, Philippines – Hawak na ng Las Pinas City police ang tinutukoy na ‘person of interest’ na di-umano’ý nagsaboy ng asido sa mukha ng babaeng gwardiya ng isang subdibisyon na naganap nitong nakaraang Marso 14.

Ayon sa pahayag ng Southern Police District (SPD), nadakip ang hinihinalang suspect sa pagsaboy ng asido sa biktimang lady guard sa pagsasagawa ng Oplan Galugad nitong nakaraang Miyerkules, Marso 20.

Kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon ang suspect tungkol sa kanyang kinalaman sa nabanggit na insidente habang nakikipagkoordinasyon naman ang pulisya sa biktima para sa positibong pagkilala sa suspect na siyang may gawa ng pagsaboy ng asido sa kanyang mukha.

Sinabi ng SPD na naganap ang insidente noong Marso 14 habang nakaduty ang babaeng gwardiya sa guardhouse ng subdibisyon sa Barangay Pulang Lupa Dos dakong alas 2:00 ng madaling araw subalit naireport lamang ito sa pulisya apat na araw makaraan ang pangyayari noong Marso 18.

Matapos maisaboy ng suspect ang asido sa mukha ng biktima ay agad itong tumakas habang nagtatalon sa kanyang dinaranas na sakit ang gwardiyang biktima na halos hindi na makakita dahil direktang tumama ito sa kanyang mata at hirap ding makahinga sa kadahuilanang pumasok din sa kanyang ilong ang asidong isinaboy sa kanya.

Nananatiling nagpapagaling sa isang ospital ang biktima na humihingi ng hustisya dahil hindi lamang siya ang naapektuhan sa pangyayari kundi pati na rin ang kanyang asawang sumasailalim sa dialysis gayundin sa kanyang anak na hanggang sa kasalukuyan ay nag-aaral pa rin. James I. Catapusan

Previous articleLahat ng dokumento, panayam na kailangan sa imbestigasyon, ibibigay ng NFA – DA
Next articlePia, nagpa-selfie kay Sandara, dinedma si Heart?