MANILA, Philippines – Nadagdagan ang petisyon na humihiling na maiharap sa Korte dito sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Naghain ng Petition for Habeas Corpuz si Davao City Mayor Sebastian Duterte sa Supreme Court at hiniling na mapabalik sa bansa ang dating pangulo.
Sa 32 pahinang petisyon, sinabi ng petitioner na iligal ang isinilbing warrant of arrest dahil galing umano ito sa isang foreign entity na walang hurisdiksyon sa Pilipinas.
Nakasaad sa petisyon na tanging ang Pilipinas ang nauunang judicial authority sa kanyang teritoryo kaya ito lamang ang may karapatan na lumitis sa dating Pangulo.
Idinaing ni Sebastian Duterte na hindi nabigyan ng tulong medikal ang kanyang ama bukod pa sa ipinagbawal ang bisita at sapilitan na ibiniyahe sa The Hague, Netherland. TERESA TAVARES