Home NATIONWIDE Petisyon ni ex-Rep. Teves vs Manila RTC judge, ibinasura ng CA

Petisyon ni ex-Rep. Teves vs Manila RTC judge, ibinasura ng CA

114
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon na inihain ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na kumukuwestiyon sa bisa ng search warrant laban sa kanya at sa kanyang mga anak noong Marso 2023.

Sa 32-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Apolinario Bruselas Jr., binanggit ng appellate court na walang naganap na “grave abuse of discretion” mula kay Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso.

Ito ay matapos hindi ipawalang-bisa ang search warrant at pinagtibay pa ang legalidad nito, na nagresulta sa pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms and explosives laban sa dating mambabatas.

Nadiskubre sa bahay nina Teves at ng kanyang mga anak ang mga baril, bala, at pampasabog, pero iginiit niya na dapat pinawalang-bisa ang mga warrant at hindi dapat tinanggap ang ebidensyang nakuha.

Hindi rin sinang-ayunan ng appellate court ang argumento na iligal ang paghalughog sa bahay, kung saan pinahintulutan daw ng warrant ang paghahanap sa buong lugar, at nanatili sa legal na hangganan ang mga operatiba.

Sabi pa ng CA, hindi rin maituturing na bunga ng iligal na paghahanap ang pagkakatuklas ng iba pang armas at pampasabog sa loob ng bahay ni Teves.

Nahaharap ang dating kongresista sa patung-patong na kaso, kabilang na ang pagpatay kay dating Governor Roel Degamo at siyam pa noong 2023. — Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here