Home NATIONWIDE PH Consulate, nag-alok ng tulong sa mga Pinoy sa gitna ng LA...

PH Consulate, nag-alok ng tulong sa mga Pinoy sa gitna ng LA wildfire

MANILA, Philippines – NAG-ALOK ng tulong ang Philippine Consulate General sa Los Angeles sa mga Filipino na apektado ng lumaganap o kumalat na wildfires sa katimugang bahagi ng California.

“The Consulate is coordinating with local authorities and closely monitoring the situation of Filipino nationals in the affected areas. Filipino nationals requiring the Consulate’s assistance may call (323) 528-1528,” ang sinabi ng Consulate sa advisory nito araw ng Huwebes.

May ilang Filipino at Filipino-Americans na apektado ng wildfires ang umapela ng tulong.

“The Philippine Consulate General in Los Angeles advises the Filipino community in the areas affected by the wildfires in Los Angeles County (Palisades Fire, Eaton Fire, Hurst Fire, Woodley Fire), Riverside County (Tyler Fire), and Ventura County (Olivas Fire) to check local advisories, undertake necessary preparations, and adhere to evacuation orders,” ang nakasaad pa rin sa advisory.

Nakasaad pa rin sa advisory na iniulat ng California Department of Forestry and Fire Protection na ang wildfires sa Palisades (malapit sa Malibu) at sa Eaton (sentro malapit sa Pasadena) ay lumawak ng mas mahigit pa sa 10,000 acres “as of mid-day” ng Enero 8 dahil sa Santa Ana winds, o ‘strong, dry winds’ na nakaapekto sa coastal Southern California.

Samantala, mahigit naman sa 1,000 bumbero ang nag-apula ng apoy na nakapinsala na sa mahigit na 1,000 bahay.

Sa ngayon, hindi pa madetermina kung ilang Filipino ang apektado, idagdag pa na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na request na tulong ang Public Diplomacy & Information Section mula sa mga ito. Kris Jose