MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong sa mga Filipino na mag-ingat at sundin ang mga lokal na batas sa paglahok sa mga public gathering.
Ayon sa konsulado, sa ilalim ng Hong Kong Public Order Ordinance, kailangan ang permit sa pag-oorganisa ng public assembly.
Dapat umanong magpasa ng written notification ang mga organizer sa Commissioner of Police na hindi lalampas sa 11 a.m. ng linggo bago ang itinakdang pagtitipon.
“The Commissioner of Police has the authority to prohibit public meetings if deemed necessary in the interest of national security, public safety, order, or the protection of others’ rights and freedoms,” saad sa pahayag ng Konsulado.
“He may also impose reasonable conditions or restrictions on such gatherings.”
Ang bigong makatutugon sa mga restriksyon na itinakda ng Commissioner ay maaaring magresulta sa pagbabayad ng multa kabilang ang pagkakulong na hanggang 12 buwan.
Dagdag pa, ang bigong pagpapaalam sa mga awtoridad o paglahok sa mga magugulong pagtitipon ay may mas mahigpit na parusa kabilang ang pagkakulong ng hanggang limang taon. RNT/JGC