Home HOME BANNER STORY PH economy growth rate pumalo sa 6.3% sa Q2 2024

PH economy growth rate pumalo sa 6.3% sa Q2 2024

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang ekonomiya ng Pilipinas ng mas mabilis na growth rate sa ikalawang quarter ng 2024.

Itinuturing itong ‘”astest footing” sa limang kwarter — sa kabila ng malakas na “consumption activities” sa naturang panahon.

Iniulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang gross domestic product (GDP) ng bansa —ang kabuuang halaga ng goods at services na pinrodyus (produce) sa nasabing panahon ay lumago ng 6.3% noong Abril hanggang Hunyo 2024.

Ito ay mas mabilis kumpara sa GDP growth rate na 5.8% sa unang quarter ng taon.

Itinuturing naman itong “quickest growth rate” ng ekonomiya ng Pilipinas sa limang kwarter lalo pa’t nakita ang 6.4% growth rate sa unang kwarter ng 2023. Kris Jose