MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kumpiyansa ang top diplomat ng Pilipinas sa Washington na ang mga Filipino at iba pang sibilyan sa mga base militar ng Estados Unidos sa Middle East na protektado laban sa mga pag-atake ng Iran.
“All personnel at US bases are always given as much protection regardless of citizenship,” sinabi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez sa panayam ng GMA News.
Wala pang eksaktong bilang kung ilan ang mga Filipino at ibang lahi na nagtatrabaho sa American bases sa Middle East.
Sa ulat, mayroong anim na US service personnel ang nasawi sa retaliatory attacks ng Iran sa Kuwait nitong weekend.
Matatandaan na naglunsad ng pag-atake ang Iran sa Israel at iba pang bansa sa Middle East matapos ang mga strike ng US at Israel laban sa nasabing bansa.
Ayon kay Romualdez, nauna nang nagpahayag ang US na ang pag-atake sa Iran “was highly possible if talks in Switzerland did not produce tangible results.”
Dalawang beses nagkita ang mga opisyal ng US at Iran noong Pebrero sa Geneva kasabay ng demand ng Washington na tigilan na ang nuclear program ng Iran. RNT/JGC