Home NATIONWIDE PH foreign reserves bumaba sa $102.7B nitong Pebrero — BSP

PH foreign reserves bumaba sa $102.7B nitong Pebrero — BSP

MAS HUMINA ang foreign currency reserves ng Pilipinas sa pagtatapos ng Pebrero 2024 sa gitna ng pagsasaayos ng foreign currency-denominated debt ng gobyerno.

Makikita sa ipinalabas na preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang gross international reserves (GIR)—kakayahan na hakbang ng bansa para ” to import payments at service foreign debt” noong nakaraang buwan na nagkakahalaga ng $102.671 billion.

Ito ay mas mababa sa pagtatapos ng January 2024 level na $103.269 billion.

Ang reserve assets ng BSP ay kinabibilangan ng “foreign investments, gold, foreign exchange, reserve position sa International Monetary Fund (IMF), at special drawing rights.”

“The month-on-month decrease in the GIR level reflected mainly the national government’s payments of its foreign currency debt obligations,” ayon sa Bangko Sentral.

Sa kabila ng paghina, ang ‘end-February GIR level’ ay “more than adequate external liquidity buffer equivalent to 7.7 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income.”

“The GIR is conventionally viewed to be adequate if it can finance at least three-months’ worth of the country’s imports of goods and payments of services and primary income—earnings of overseas Filipino workers as well as the profit of Philippine investments abroad,” ayon sa ulat.

Ang end-February foreign reserves level ay 6.0 beses ng short-term external debt ng bansa base sa original maturity at 3.9 beses base sa residual maturity.

Ang Short-term debt base sa residual maturity ay tumutukoy sa outstanding external debt na may original maturity ng isang taon o mas mababa,” ayon sa BSP sabay sabing “plus principal payments on medium- and long-term loans of the public and private sectors falling due within the next 12 months.”

“The level of GIR, as of a particular period, is considered adequate, if it provides at least 100% cover for the payment of the country’s foreign liabilities, public and private, falling due within the immediate twelve-month period,” dagdag na pahayag pa rin ng BSP.

Kahalintulad nito, ang net international reserves—ang pagkakaiba sa pagitan ng reserves assets (GIR) ng BSP at reserve liabilities (short-term debt and credit and loans mula sa International Monetary Fund)—bahagyang bumaba sa $102.66 billion mula “$102.68 billion” ng “month-on-month.” Kris Jose

Previous articleProteksyon ng mga kababaihan, pagtibayin kontra paghihimagsik, karahasan
Next articleSC sa mga abogado: Maging mabusisi sa pagnotaryo