Home HOME BANNER STORY PH holidays para sa 2025, alamin

PH holidays para sa 2025, alamin

305
0

MANILA, Philippines- Sa kabila ng dalawang buwan pa bago pumasok ang taong 2025, nagpalabas ang Malakanyang ng proklamasyon na nagdedeklara ng REGULAR HOLIDAYS, SPECIAL NON-WORKING DAYS para sa taong 2025

Ipinalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 727 na nagdedeklara ng regular holidays at special (non-working) days para sa taong 2025.

Ayon sa proklamasyon ng Pangulo na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, araw ng Miyerkules, Oktubre 30, ang mga sumusunod na regular holidays at special days para sa taong 2025 na dapat sundin sa bansa ay:

Regular Holidays:

  • New Year’s Day – 1 January (Miyerkules)

  • Araw ng Kagitingan – 9 April (Miyerkules)

  • Maundy Thursday – 17 April

  • Good Friday – 18 April

  • Labor Day – 1 May (Huwebes)

  • Independence Day – 12 June (Huwebes)

  • National Heroes Day – 25 August (Huling Lunes ng Agosto)

  • Bonifacio Day – 30 November (Linggo)

  • Christmas Day – 25 December (Huwebes)

  • Rizal Day – 30 December (Martes)

Special (Non-Working) Days:

  • Ninoy Aquino Day – 21 August (Huwebes)

  • All Saints Day – 1 November (Sabado)

  • Feast of the Immaculate Conception of Mary – 8 December (Lunes)

  • Last Day of the Year – 31 December (Miyerkules)

Special (Working) Day:

  • EDSA People Power Revolution Anniversary – 25 February (Martes)

Additional Special (Non-Working) Days:

  • Chinese New Year – 29 January (Miyerkules)

  • Black Saturday – 19 April

  • Christmas Eve – 24 December (Miyerkules)

  • All Saints’ Day Eve – 31 October (Biyernes)

Ang proklamasyon na nagdedeklara ng national holidays para sa pagdiriwang ng Eidul Fitr at Eidul Adha ay ipalalabas lamang matapos ang tinatayang mga petsa ng Islamic holidays ay tutukuyin alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o ‘upon Islamic astronomical calculations,’ alinman ang naaangkop.

Irerekomenda naman ng National Commission on Muslim Filipinos sa Pangulo ang aktuwal na petsa kung saan ang mga holiday na ito ay sunod-sunod na babagsak.

Inaatasan ng proklamasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng ipatutupad na mga alituntunin para sa proklamasyon, na inaasahan na kaagad na magiging epektibo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here