MANILA, Philippines- Lumabas sa pinakabagong survey results mula sa OCTA Research ang pagbaba sa trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Bahagyang bumaba ang rating ni Marcos habang napansin ang “significant drop” ng rating ni Duterte na saklaw ang ikatlong quarter ng 2024.
Nakita sa resulta ng non-commissioned survey, ipinalabas nitong Huwebes, na tinatayang 69% ng adult Filipinos ang nagtitiwala kay Marcos—-mas mababa ng 2 porsyento kumpara sa 71% na naitala sa ikalawang quarter ng taon.
Samantala, bumaba rin ang trust ratings ni Duterte ng 6 porsyeto mula 65% sa 59%.
“This significant drop raises concerns, particularly as her distrust rating now stands at 14%, with 27% of respondents undecided. This downward trajectory in trust ratings is stark compared to March 2023, when she enjoyed an impressive trust level of 87%,” anang OCTA.
“Such fluctuations indicate a shifting sentiment among the electorate and the potential impact of current political dynamics,” dagdag nito.
Sa performance, lumabas sa survey results na 66% ng adult Filipinos ang kuntento sa performance ni Marcos, habang 12% ang “dissatisfied,” at 23% ang “undecided.”
Halos 68% ng adult Filipinos naman ang “satisfied” sa performance ng Pangulo sa nakaraang quarter.
Samantala, ang performance rating ni Duterte ay bumaba ng 8 porsyento mula 60% sa 52%.
Labinlimang porsyento ng respondents ang “dissatisfied” sa kanyang performance, habang 33% ang “undecided.”
“It is crucial to highlight that Vice President Duterte-Carpio’s ratings have steadily decreased for over two straight quarters in 2024,” anang research group.
Isinagawa ang OCTA survey mula September 4 hanggang 7, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buuong bansa. Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level. RNT/SA