MANILA, Philippines- Maraming bilang ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng pagkagutom ngayong March 2025, maliban sa Kalakhang Maynila,
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase ADR Institute.
Ayon sa March 15 hanggang 20, 2025 survey, “27.2% of Filipino families experienced involuntary hunger – being hungry and not having anything to eat – at least once in the past three months.”
Nangangahulugan ito na humigit-kumulang ay 7.1 milyong pamilya sa buong bansa ang minsan ay nagugutom sa saklaw na panahon.
Ang pigura ng Marso ay kumakatawan sa 6-point increase mula 21.2% nitong February 2025.
Ito rin ang itinuturing na pinakamataas na hunger rate na naitala simula “the record high 30.7% during the COVID-19 pandemic in September 2020.”
Sinabi pa rin ng SWS na ang kasalukuyang pigura ay “7.0 points above the 2024 annual hunger average of 20.2% after rising for two consecutive months from 15.9% in January 2025.”
Tinuran ng SWS na ang pagtaas ng pagkagutom ay naramdaman sa malaking bahagi ng bansa, maliban sa Metro Manila, kung saan karamihan ng bilang ay hindi nagbabago.
“As of March 2025, the experience of hunger was highest in the Visayas at 33.7% of families, followed by Metro Manila at 28.3%, Mindanao at 27.3%, and Balance Luzon at 24.0%,” ang sinabi ng SWS.
Tinuran pa ng SWS na ang ‘national increase’ ay “due to increases in the Visayas, Balance Luzon, and Mindanao, combined with a steady score in Metro Manila.”
Kumapara sa buwan ng Pebrero, ang pagkagutom ay tumaas ng “13.7 puntos mula 20.0% sa Visayas, 4.9 puntos mula 19.1% sa Balance Luzon, at 4.0 puntos mula 23.3% sa Mindanao.”
Gayunman, sa Metro Manila, ang hunger rate “hardly moved from 27.3%” sa 28.3%
Ang 27.2% national hunger rate ay binubuo ng “21.0% who experienced Moderate Hunger and 6.2% who experienced Severe Hunger.”
Ang pakahulugan dito ng SWS ay “Moderate Hunger [as those] who experienced hunger ‘Only Once’ or ‘A Few Times’ in the last three months,” and “Severe Hunger [as those] who experienced it ‘Often’ or ‘Always’ in the previous three months.”
Ang Moderate Hunger ay tumaas ng “5.1 points mula 15.8%” nitong Pebrero, habang ang Severe Hunger ay bahagyang tumaas ng “0.9 puntos mula sa 5.3%.”
Ayon sa SWS, nakita sa Visayas ang ibayong pagtaas ng Moderate Hunger, tumaas ng “12.3 points from 15.3% to 27.7%.”
Sa “Balance Luzon” o Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila, tumaas ang Moderate Hunger ng 16.5%, habang ang Severe Hunger ay tumaas sa 7.4%.
Samantala, sa Mindanao, tumaas ang Moderate Hunger sa 22.7% subalit ang Severe Hunger ay bumaba naman sa 4.7%.
Ang survey ay isinagawa via face-to-face interviews sa “1,800 registered voters (18 taong gulang at pataas) sa buong bansa: 300 sa Kalakhang Maynila, 900 sa Balance Luzon, 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.”
Sinabi ng SWS na ang “face-to-face is the standard interviewing method… Normal face-to-face field operations resumed in November 2020.”
Ang survey ay mayroong ±2.31% national margin of error, at ±5.66% para sa Kalakhang Maynila, Visayas, at Mindanao, at ±3.27% para sa Balance Luzon.
Nilinaw ng SWS na ang hunger questions ay “non-commissioned and are included on SWS’s initiative and released as a public service.”
Sinabi nito na ang hunger questions ay dinirekta sa mga registered voters simula pa noong January 2025. Kris Jose