Home NATIONWIDE PH isusulong ‘human-centered’ AI para maprotektahan mga manggagawa

PH isusulong ‘human-centered’ AI para maprotektahan mga manggagawa

1
0

MANILA, Philippines — Isusulong ng pamahalaan ng Pilipinas ang isang human-centered approach sa paggamit ng artificial intelligence (AI), na naglalayong tiyakin na makikinabang ang mga manggagawa sa teknolohiya sa halip na mapalitan ng mga ito.

Sa kanyang virtual na talumpati sa 114th International Labor Conference sa Geneva, sinabi ni Labor Secretary Francis N. Tolentino na malaki ang potensyal ng AI sa pagpapataas ng productivity, innovation, public services, at economic growth, ngunit nagbabala siya na maaari rin itong magdulot ng pagkawala ng trabaho kung walang sapat na proteksyon para sa mga manggagawa.

“AI must complement human labor, not replace human dignity and judgment…Technology must move the country forward, but it must never leave workers behind,” pahayag ni Tolentino.

Ayon sa kalihim, naghahanda ang pamahalaan para sa digital transformation sa pamamagitan ng mga polisiya tulad ng Telecommuting Act at Enterprise-Based Education and Training Act upang mapalakas ang worker protection at technical-vocational training.

Binanggit din niya ang Philippine Skills Framework for Analytics and AI, na nagtatakda ng mga kakayahang kailangan para sa mga trabahong may kaugnayan sa AI.

Iginiit ni Tolentino na dapat maging inklusibo ang paglipat tungo sa AI-driven economy, lalo na para sa mga nakatatandang manggagawa, kababaihan, mga bagong papasok sa labor market, at mga nasa vulnerable forms of employment.

Patuloy ding isinusulong ng Department of Labor and Employment ang lifelong learning, digital skills development, at gender-responsive labor policies upang matulungan ang mga manggagawa na makaangkop sa pagbabago ng teknolohiya.

Pinalawak din ng ahensya ang paggamit ng digital employment services, kabilang ang AI-powered job matching sa PhilJobNet at mga chatbot na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa sahod, productivity training, at technical services.

Sa pagtatapos ng 2025, umabot sa 2.5 milyong registered jobseekers at 39,336 employers ang nasa PhilJobNet.

Ayon kay Tolentino, magpapatuloy ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa International Labour Organization at iba pang social partners upang matiyak na magsisilbi ang AI sa inobasyon at paglago ng ekonomiya habang napapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here