Home SPORTS PH men’s volleyball team umukit ng kasaysayan sa panalo vs Egypt

PH men’s volleyball team umukit ng kasaysayan sa panalo vs Egypt

309
0

UMUKIT ng kasaysayan ang Alas Pilipinas Men matapos talunin ang Egypt sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.

Sa score na 29-27, 23-25, 25-21, 25-21, nagwagi ang koponan sa harap ng kanilang mga kababayan.

Hindi makapaniwala si Marck Espejo sa naging resulta, aniya ay hindi nila inasahang manalo ng isang laro.

Para sa kanya, malaking biyaya na nakapagpakita sila ng galing sa pinakamalaking entablado ng volleyball.

Ayon kay team captain Bryan Bagunas, malaking karangalan ang maging bahagi ng kasaysayan.

Dagdag pa niya, ito ay isang tagumpay na magbibigay inspirasyon sa susunod pang henerasyon ng volleyball players sa bansa. GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here