Home NATIONWIDE PH nagbabadyang bayuhin ng 13-16 bagyo ngayong 2024

PH nagbabadyang bayuhin ng 13-16 bagyo ngayong 2024

MANILA, Philippines- Tinatayang 13 hanggang 16 tropical cyclones ang maaaring tumama sa bansa ngayong taon, ayon sa opisyal ng state weather bureau PAGASA nitong Martes.

Sa Palace press briefing, sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Solis na mas mababa ito kumpara sa average na 19 hanggang 20 bagyo kada taon.

“For now po, by this year mga around 13 to 16 na bagyo po ang possible po this year – so, ibig sabihin po, maaaring below normal dahil mararamdaman po kasi natin iyong possible effect ng La Niña is last quarter of the year,” wika ni Solis. 

“So, for now po 13 to 16 [cyclones] po for this year iyong ating predicted which is below normal doon sa average na 19 to 20 po,” dagdag niya. RNT/SA

Previous article4 high dams target ng PH gov’t sa 2028 vs water shortage
Next articleDOST: Epekto ng El Niño magpapatuloy ‘gang Agosto