Home NATIONWIDE PH nanguna sa plano laban polusyon sa maritime sector

PH nanguna sa plano laban polusyon sa maritime sector

98
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ng Pilipinas ang pagsulong sa maritime decarbonization sa pamamagitan ng apat na araw na workshop na ginanap sa Cebu City mula Abril 13-16, 2026.

Layunin nitong bumuo ng maritime emissions baseline at National Action Plan (NAP) para mabawasan ang greenhouse gas (GHG) emissions sa sektor ng maritime. 

Katuwang ng MARINA ang International Maritime Organization (IMO) at Pamahalaan ng Korea.

Binigyang-diin ni MARINA Administrator Sonia Malaluan ang kontribusyon ng inisyatiba sa global climate goals at kapakanan ng susunod na henerasyon. 

Sinabi naman ng IMO na mahalaga ang pagtutulungan ng mga stakeholder para sa tagumpay ng proyekto. 

Ang workshop ay naglalayong maglatag ng teknikal na pundasyon, suriin ang umiiral na mga regulasyon, at magtakda ng mga hakbang para sa decarbonization roadmap.

Dumalo ang mga kinatawan mula sa MARINA, DENR, DOTr, PCG, at iba pang maritime stakeholders. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here