MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magpapatuloy ang generally fair weather sa bansa ngayong Lunes, ngunit may tsansa ng maulap na kalangitan at pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms.
Ito ay dahil sa ridge ng high pressure area (HPA) na umaabot sa hilagang bahagi ng Luzon.
Sinabi ng PAGASA na ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.
Nagbabala rin ang ahensya na maaaring magkaroon ng flash floods o landslides kapag malalakas ang thunderstorms.
Sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, inaasahan ang katamtamang lakas ng hangin at alon.
Samantala, ang Northern Luzon ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang kondisyon ng dagat.
Sa natitirang bahagi ng bansa, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang alon. RNT/MND