Home NATIONWIDE PH remittances tumaas sa $3.079B nitong Oktubre

PH remittances tumaas sa $3.079B nitong Oktubre

MANILA, Philippines – TUMAAS ang remittances mula sa overseas Filipino para sa ikalawang sunod na buwan noong Oktubre.

Ito ang makikita sa data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang cash remittances o money transfers sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels para sa buwan ay nananatili sa $3.079 billion, tumaas mula sa $3.009 billion noong Setyembre at 2.7% mas mataas kaysa sa $2.998 billion sa kaparehong buwan noong 2023.

Ang Inflows mula sa land-based workers ay tumaas ng 3.2% sa $2.48 billion mula sa $2.40 billion sa nakalipas na taon, habang iyong nasa sea-based workers ay lumago ng 0.6% sa $0.6 billion.

Dahil dito, ang year-to-date cash remittances ay tumaas ng 3.0% o $28.304 billion mula sa $27.492 billion sa maihahambing na panahon ng 2023.

“The growth in cash remittances from the United States, Saudi Arabia, Singapore, and the United Arab Emirates contributed mainly to the increase in remittances,” ang nakasaad sa kalatas ng Bangko Sentral.

“The United States accounted for 41.2% of the inflows for the 10-month period, followed by Singapore with 7.1%, Saudi Arabia with 6.2%, Japan with 4.9%, the United Kingdom with 4.8%, the United Arab Emirates with 4.3%, Canada with 3.5%, Qatar and Taiwan with 2.8% each, and South Korea with 2.5%,” ayon sa ulat.

Ang Personal remittances o kabuuang ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels, ay pumasok sa $3.415 billion noong Oktubre. Mas mataas ito kaysa sa $3.336 billion noong Setyembre ng 2.7% higit sa $3.327 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“The expansion was seen in remittances from both land-based and sea-based workers,” ayon sa BSP.

Samantala, ang Year-to-date personal remittances ay pumasok sa $31.487 billion, tumaas ng 3.0% mula $30.569 billion sa unang 10 buwan ng 2023. Kris Jose