Home NATIONWIDE PH resupply mission sa Ayungin Shoal kinondena ng Tsina

PH resupply mission sa Ayungin Shoal kinondena ng Tsina

BEIJING/MANILA- Kinondena ng China ang misyon ng apat na Philippine ships na mag-resupply sa mga militar na Pilipino sa Ayungin Shoal, at sinabing pumasok ang vessels sa katubigan sa Spratly Islands nang walang permiso.

Inihayag ng Pilipinas nitong Miyerkules na matagumpay nitong naihatid ang mga supply sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre, ang World War Two-era transport ship-turned-military outpost sa “atoll,” sa kabila ng pagtatangka ng China coast guard na harangin ito.

“Philippine supply ships and two coast guard ships entered the waters … in China’s Nansha Islands without permission from the Chinese government,” pahayag ni China Coast Guard spokesperson Gan Yu sa post sa website, gamit ang tawag ng China sa Spratly Islands.

Tinatawag ang nasabing atoll na Ayungin sa Pilipinas, habang ang tawag ng China rito ay Renai Reef. Kilala rin bilang Second Thomas Shoal, ito ay “105 miles (109 km) off Palawan.”

Iginiit ng China Coast Guard sa post nito na binalaan nito ang paghahatid ng mga materyal sa barko.

Inihayag ng Philippine National Security Council (NSC) na nakumpleto ang resupply at rotation mission sa kabila ng pagtatangka ng ilang China Coast Guard at Chinese Maritime Militia na harangin ito.

“These missions are a legitimate exercise of the administrative functions of the Philippine government,” anang NSC. RNT/SA