MANILA, Philippines – Nagsagawa ng joint air at naval patrol bilang bahagi ng weeklong maritime exercise para patatagin ang koordinasyon sa West Philippine Sea, ang Pilipinas, US, at Japan, ayon sa Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay AFP-PAO chief Col. Xerxes Trinidad, ito ang unang pagkakataon na umabot ang joint air patrol sa Luzon Strait, at isinagawa ang naval maneuvers malapit sa Mavulis Island sa hilaga ng Basco, Batanes.
Inulat ng Philippine Navy na may nakita ring warship ng China ngunit hindi ito nakagambala sa ehersisyo.
Ginamit ng PH Navy ang BRP Antonio Luna (FF-151), habang ang PH Air Force ay nagpadala ng FA-50 fighter jets, A-29 Super Tucano, C-208B utility plane, at Sokol helicopter. Ang PH Coast Guard ay nagpadala ng BRP Gabriela Silang, Japan ng P-3 Orion, at US ng USS Dewey at P-8A Poseidon.
Ani Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, ang MMCA ay “preplanned, preapproved” at hindi nakatuon laban sa kahit anong bansa. Layunin nitong paigtingin ang 360-degree maritime domain awareness at mas mapabuti ang integrasyon ng AFP sa modernong militar. RNT/MND