Home NATIONWIDE PH, US, Japan sanib-pwersa sa MMCA sa WPS

PH, US, Japan sanib-pwersa sa MMCA sa WPS

MANILA, Philippines- Sinabi ng militar ng China na nagsagawa sila ng pagpapatrolya sa South China Sea noong Biyernes, ang araw na muling pinagtibay ni United States Defense Secretary Pete Hegseth ang pangako ng Washington sa Pilipinas.

Noong Sabado, sinabi ng tagapagsalita ng Southern Theater Command of the People’s Liberation Army na ang Pilipinas ay madalas na nagpapatala ng mga dayuhang bansa upang mag-organisa ng ‘joint patrols’ at nagpapakalat umano ng mga ilegal na pag-angkin.

Sinabi ni Hegseth na nagsagawa ng joint sail sa Indo-Pacific area noong Biyernes ang mga navy ng Pilipinas, US at Japan.

Ang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ay isinagawa ng tatlong nasyon sa West Philippine Sea ayon sa AFP.

Sinabi ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na ang MMCA exercise ay higit na magpapahusay sa interoperability at magpapalakas sa pinagsamang kakayahan ng mga kalahok na pwersa.

“Every iteration strengthens our capacity to respond to maritime security challenges while reinforcing our collective ability to safeguard our national interests,” ang sinabi ni Brawner.

“The MMCA continuously highlights the vital improvements in our coordination, tactics, and shared maritime awareness,” aniya pa rin.

Ginamit ng AFP contingent ang guided missile frigate BRP Jose Rizal (FF-150), AW -109 helicopter, C-90 aircraft at search and rescue assets ng Philippine Air Force (PAF).

Ang Japan ay ang multi-mission frigate JS Noshiro (FFM -3) at maritime helicopter SH-60 K.

Habang ang Estados Unidos ay ang kanilang missile destroyer DDG Shoup (DDG-86), multi-mission naval helicopter MH-60R at maritime patrol aircraft P-8A Poseidon.

“The MMCA continuously highlights the vital improvements in our coordination, tactics and shared maritime awareness,” wika ni Brawner.

Samantala, binigyang-diin ni Hegseth noong Biyernes ang kahalagahan ng pagpipigil sa gitna ng mga banta sa South China Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden/Jose Kris