Home TOP STORIES Villar inendorso ng Team Uswag sa Iloilo

Villar inendorso ng Team Uswag sa Iloilo

Nagpasalamat si Camille Villar sa mga opisyal ng Iloilo City sa pagsuporta sa kanyang kandidatura sa Senado sa Team Uswag proclamation rally sa Iloilo Freedom Grandstand.

Pinuri rin niya sina Mayor Jerry Treñas at iba pang lokal na opisyal sa mainit na pagtanggap.

Hinimok ni mayoral candidate Inday Raisa Treñas ang mga botante na suportahan si Villar, aniya, “Suportahan naton sang todo todo para sa Senado Camille Villar, #66! Together, we can create positive change!”

Kasama si Rep. James “Jojo” Ang ng Uswag Ilonggo party-list, nangako si Villar na ipagpapatuloy ang mga programa para sa kabuhayan, trabaho, pagpapalakas ng kababaihan, at mas magandang edukasyon.

“Noon pa man, isinusulong ko na po ang mga batas na magtataguyod ng kabuhayan, magbibigay ng trabaho, at magpapaabot ng pangarap na bahay para sa mga Filipino,” ani Villar.

Sa 15 taong karanasan sa serbisyo publiko at negosyo, tiniyak niyang magiging bagong boses siya sa Senado upang matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino.

“Ako po ang magiging bagong boses ninyo sa Senado upang matugunan natin ang pangangailangan ng bawat pamilyang Filipino,” dagdag niya.

Bilang pinakabatang kandidato sa Senado sa halalan ng Mayo 2025, ipinangako ni Villar na ipaglalaban ang pag-unlad.

“Asahan niyo pong nandito ako, hayaan ninyong maging boses ninyo ako para sama-sama nating maitaguyod ang pag-asenso ng buhay ng ating mga kababayan,” aniya.