MANILA, Philippines- Nakatakdang tintahan ng Pilipinas at Vietnam ang defense cooperation deal para palakasin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang kasunduan ay makatutulong na makapagtayo ng momentum para sa pagtutulungan sa pagitan ng ‘defense at military sectors’ ng Manila at Hanoi.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinananatili ng Pilipinas at Vietnam ang kanilang commitment para matiyak na nasa tamang lugar ang mapayapang resolusyon para tugunan ng tensyon sa South China Sea.
Sinabi ng Department of National Defense na sina Teodoro at Vietnam Minister of National Defence General Phan Van Giang ay lumagda ng Letters of Intent (LOIs) on the Enhancement of Cooperation in the Field of Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) sa Sea and Military Medicine.
“The LOI on HADR at Sea reflects the intention of the Philippines and Vietnam to strengthen efforts to mitigate the impact of natural disasters and other increasingly complex security challenges at sea,” ayon sa DND.
Sa kabilang dako, kinikilala ng LOI sa Military Medicine ang papel ng military sa cross-border public health surveillance at maging sa pag-iwas sa disease outbreaks.
“The LOI manifests the interest of both countries to enhance relevant capabilities through joint research and innovations, as well as the sharing of knowledge and best practices,” ayon sa ulat.
Inihayag naman ng defense ministers ang kanilang patuloy na commitment para sa mas malalim na ‘defense at military cooperation’ sa pamamagitan ng patuloy na interaksyon at engagements sa lahat ng antas.
Kinilala rin ng mga ito ang mahalagang kontribusyon ng Defense Strategic Dialogue (VMDSD) at Defense Cooperation Working Group (DCWG) ng mga Vice Minister bilang pangunahing bilateral defense dialogue mechanisms, para muling pasiglahin ang defense partnership sa pagitan ng dalawang bansa. Kris Jose