MANILA, Philippines- Pinanatili ng Pilipinas at Vietnam ang kanilang “commitment” para matiyak ang mapayapang resolusyon sa pagtugon sa tensyon sa South China Sea.
Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kasunod ng courtesy call ni Vietnam’s Minister of National Defense General Phan Van Giang, araw ng Biyernes, Agosto 30 sa Palasyo ng Malakanyang.
”We have elevated Philippines-Vietnam relations to greater heights with the visit of Vietnam’s Defense Minister, General Phan Van Giang,” ayon kay Pangulong Marcos.
”We thank Vietnam for supporting the Arbitral Award. Together, we remain committed to peaceful resolutions, de-escalating tensions and ensuring that the rule of law and a rules-based international order prevail in our region,” dagdag na wika nito.
Matatandaang halos angkinin na ng Tsina ang buong South China Sea, isang conduit para sa mahigit na $3 trillion sa annual ship commerce. ang territorial claims nito ay nag-overlap na sa Pilipinas, Vietnam, Malaysia, at Brunei. Ang tinukoy ng Pilipinas na bahagi ng South China Sea ay ang West Philippine Sea.
Taong 2016, isang international arbitration tribunal sa Hague ang nagpasya na ang pag-angkin ng Tsina sa South China Sea ay walang legal na basehan, isang desisyon na hindi kinilala ng Beijing, patunay dito ang patuloy na kalupitan na ginagawa nito sa rehiyon.
Matatandaang Enero 2024, lumagda ang Pilipinas at Vietnamese Coast Guards ng isang memorandum of understanding na nagtatatag ng joint Coast Guard committee at isang hotline communication mechanism. Kris Jose