Home NATIONWIDE Phase 1 ng EDSA Busway rehab sinimulan na

Phase 1 ng EDSA Busway rehab sinimulan na

237
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ang rehabilitasyon ng Phase 1 ng EDSA Busway nitong Lunes, Agosto 11.

Nakatuon ito sa pagpapabuti sa apat na istasyon ng bus.

Ang mga istasyon na kabilang dito ay ang Monumento, Bagong Barrio, North Avenue at Guadalupe.

Gagamitin ng Department of Transportation (DOTr) ang North EDSA Station bilang modelo nito sa pagpapabuti ng iba pang mga istasyon.

Sa North Avenue Station sa Caloocan, hindi operational ang isa sa tatlong elevator nito.

Samantala, ang Monumento Station signage ay halos hindi na makita dahil sa dim lights.

Sinabi rin ni DOTr Secretary Vince Dizon, na ang ahensya ay may tatlong bagong stations, bukod sa rehabilitasyon ng apat na istasyon.

Nauna nang ibinunyag ng DOTr na layunin nitong matayo ng mga busway station sa Cubao sa Quezon City at Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here