MANILA, Philippines – Habang tumataas ang mga kaso ng dengue fever sa bansa, nag-anunayo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng malaking pagtaas sa package ng benepisyo nito para sa severe dengue, na itinaas mula P16,000 hanggang P47,000, na epektibo ngayong buwan.
Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng PhilHealth na ang malaking pagtaas, na nagkabisa noong Nobyembre 1, ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng rationalization ng benepisyo at naglalayong magbigay ng “sapat na pinansiyal na proteksyon sa panganib” sa mga Pilipinong apektado ng sakit.
Matatandaang itinaas na ng health insurer ang benefit package para sa dengue mula P10,000 Hanggang P13,000.
Ngayong nagkaroon muli ng pagtaas o ‘two-fold increase’ sa health insurance coverage para sa severe dengue,binigyang diin ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma Jr. ang kanilang pangako na patuloy na suportahan ang mga Filipino sa kanilang hirap na pinagdadaanan at umaasa na mababawasan ang financial burden ng mga apektadong pamilya.
Sa pagbanggit sa datos ng Department of Health (DOH), binanggit ng PhilHealth na may kabuuang 269,467 dengue cases ang naiulat sa buong bansa, kung saan ang National Capital Region (NCR) ay umabot na sa alert level dahil sa 24,232 na naitalang kaso.
Pinaalalahanan ng PhilHealth ang publiko na ang mga pasyenteng tumatanggap ng mga serbisyong lampas sa minimum care standards sa non-ward accommodations, gayundin ang mga karagdagang serbisyo na walang kinalaman sa dengue treatment sa accredited private health facilities, ay sasailalim sa co-payments.
Bukod pa rito, ang mga serbisyo sa mga hindi pangunahing akomodasyon sa mga pampublikong pasilidad ay magkakaroon ng nakapirming co-payment. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)