Home METRO Walang tubig sa Pasay, Parañaque, Las Pinas sa Nobyembre 25-26

Walang tubig sa Pasay, Parañaque, Las Pinas sa Nobyembre 25-26

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Maynilad Water Services Inc. na magkakaroon ng 16-oras na water service interruptions sa ilang mga barangay na nasasakop ng magkakatabing lungsod ng Pasay, Parañaque, at Las Pinas sa darating na Nobyembre 25 at 26.

Sa Pasay City, ang mga barangay na mawawalan ng tubig ay ang Barangays 10-13, 26, 28-31, 38-40, 76-78, 145-153, 155, 156, 159, 161-163, 165-167, 169, 171-175, 178, 179, 181, 184, 186-195, at Barangay 197 hanggang Barangay 200 samantalang apektado naman na mga barangay sa Las Pinas ay ang Barangay BF International/CAA, D. Fajardo, E. Aldana, Ilaya, Manuyo Uno at Manuyo Dos.

Ang mga lugar na maapektuhan naman ng water service interruption sa Parañaque ay ang mga barangay ng Baclaran, BF Homes, Don Galo, La Huerta, Moonwalk, San Dionisio, San Isidro, Sto. Niño, Tambo, at Vitalez.

Sisimulan ng Maynilad ang pagpapatupad ng water service interruption mula alas 4:00 ng hapon ng Nobyembre 26 hanggang alas 8:00 ng umaga kinabukasan ng Nobyembre 26.

Ayon sa Maynilad, ang kanilang service interruption ay ipatutupad upang bigyang daan ang pagsasagawa ng flood proofing ng Pasay pumping station at reservoir sa Kapitan Ambo, Pasay City.

Kasabay nito ay nanawagan naman ang mga lokal na pamahalaan ng tatlong nabanggit na lungsod sa mga maaapektuhang barangay na mag-ipon na ng tubig bago pa man ipatupad ang water service interruption.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa water service interruption ay maaaring tumawag sa Maynilad hotline number 1626; magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng text sa cellphone number 0998-864146; bumisita sa kanilang facebook page o dili kaya ay mag-email sa [email protected]. (James I. Catapusan)