Home METRO PhilSA: Liwanag sa Mayon, dulot ng meteor

PhilSA: Liwanag sa Mayon, dulot ng meteor

48
0

ALBAY, Philippines – Ipinaliwanag ng Philippine Space Agency (PhilSA) na ang maliwanag na guhit ng liwanag na nakita sa ibabaw ng Mayon Volcano noong gabi ng Mayo 25 ay dulot ng isang meteor.

Ayon sa pahayag ng PhilSA noong Mayo 26, kapag pumasok ang meteor sa atmospera ng mundo, nagkakaroon ito ng “brilliant flash of light.”

Na-capture ang liwanag ng camera ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Ligñon Hill noong 10:33 p.m., habang kasalukuyang may effusive eruption ang bulkan.

Ayon sa PhilSA, “While meteors or space rocks enter Earth’s atmosphere daily, the vast majority burn up completely before reaching the ground.”

Karaniwang nasusunog ang meteors sa taas na 60 hanggang 100 kilometro mula sa sea level. Dahil sa matinding bilis at friction sa atmospera, umiinit ang mga ito hanggang sa magliyab at magmukhang “shooting stars.”

“This heat also ionizes the air molecules around them, creating the bright, glowing streak we see as ‘shooting stars,’” ayon pa sa PhilSA.

Ang mga fragment na nakaliligtas at bumabagsak sa lupa ay tinatawag na meteorites.

Patuloy pa rin ang effusive eruption ng Mayon nang mahigit 140 araw, na nagdudulot ng lava flows, pyroclastic density currents o “uson,” at rockfalls.

Nanatili pa rin sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here