Home METRO Trak na may kargang basura, tumaob sa Kyusi

Trak na may kargang basura, tumaob sa Kyusi

53
0

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasugatan matapos tumaob ang isang trailer truck na may kargang basura sa southbound lane ng C5–Bonny Serrano Tunnel bandang alas-5 ng umaga nitong Miyerkules, Mayo 27.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, agad silang nagpadala ng mga responder at heavy equipment tulad ng forklift at tow truck upang tumulong sa pag-aalis ng tumumbang sasakyan at sa pamamahala ng trapiko.

Batay sa imbestigasyon, galing Porac, Pampanga ang truck at patungong Batangas upang mag-deliver ng basura nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa driver, dumulas ang sasakyan sa basang kalsada sa loob ng tunnel kaya nawalan siya ng kontrol at tumagilid ang trailer kahit sinubukan niyang itama ang manibela at magpreno.

Dalawa sa tatlong sakay ng truck ang nasugatan. Ang driver ay nagtamo ng sugat sa kanang siko habang ang kanyang asawa ay may sugat sa kanang kilay. Hindi naman nasaktan ang truck helper.

Bandang 6:29 a.m., dumating ang MMDA forklift at tow truck para sa pag-angat ng sasakyan.

Pagsapit ng 7:47 a.m., naitayo na ang truck ngunit nanatiling sarado ang southbound lane habang nagpapatuloy ang clearing operations. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here