MANILA, Philippines- Naganap ang serye ng lindol mula sa baybayin ng Ilocos Sur sa nakalipas na ilang araw, na posibleng mabawasan o magdulot ng tsunami, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes ng gabi.
Naganap ang mga pagyanig, may kabuuang 49, mula alas-4:02 ang madaling araw noong Disyembre 17, base sa Department of Science and Technology-PHIVOLCS Philippine Seismic Network, PHIVOLCS sa isang Facebook post.
Mayroon itong preliminary epicenters sa offshore ng West Philippine Sea, tinatayang 100 km west northwest ng munisipalidad ng Santa Catalina.
Pumapalo ang magnitude ng mga lindol sa pagitan ng 1.8 hanggang 5.0, dagdag ng PHIVOLCS.
“The largest earthquake (denoted as yellow star) in the sequence occurred on 19 December 2024 at 09:09 AM (PST) with magnitude M5.0 and focal depth of 27 km, and was reportedly felt in Santa Catalina, Ilocos Sur at Intensity II using the PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale,” pahayag ng ahensya.
“Records of broadband waveforms were processed using the SWIFT system and indicated a predominantly normal mechanism as shown in Figure 2. Based on this mechanism and the epicentral location of these events, this earthquake sequence is associated with the active subduction along the Manila Trench,” anito pa.
“As of kagabi, mayroon nang naitalang mga aftershock na recorded na 68… Ang located ay 27,” pahayag naman ni PHIVOLCS Science Research Assistant Dandy Camero sa isang panayam nitong Sabado.
Ani Camero, tectonic ang origin ng mga lindol na ito.
Base sa ahensya, may dalawang posibleng scenario batay sa kasalukuyang earthquake activity: “(a) it may continue with its present activity and eventually decrease in the next few days, o (b) it may intensify and lead to a stronger earthquake that may generate a tsunami.”
Pinaalalahanan nito ang publiko sa Duck, Cover and Hold pose sakaling makaramdam ng malakas na lindol.
“People in the coastal communities should stay alert and be aware of and monitor the natural signs of an approaching local tsunami – strong ground shaking (SHAKE), sudden and unusual changes in the sea level (DROP), and unusual sound (ROAR),” dagdag ng PHIVOLCS.
Kapag nangyari ito, ang publiko ay dapat “immediately move to high grounds or away from the shoreline,” anito.
“Lilinawin lang natin, hindi natin sinasabi na may paparating na tsunami pero patuloy pa ring magbabantay ang PHIVOLCS,” ani Camero. RNT/SA