Manila, Philippines – Bonggang-bongga ang media conference ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 na ginanap sa Novotel Cubao, na pinabibidahan ng senator na may painakamaraming batas na naisulong.
‘Yan ay walang iba kung hindi ang nag-iisang Senator Bong Revilla Jr. At ang mga co-star niya ay sina Beauty Gonzalez, Leo Martinez, Jillian Ward, Nino Muhlach, Faith Da Silva, Gloria Diaz, Jay Manalo, Joko Diaz, Sid Lucero, Ryan Eigenmann, atbp.
Bago nag-umpisa ang question and answer portion ay ipinanood muna ang trailer into.
Sa ganda ng pagkakagawa, aakalain mong pangpelikula ito at hindi pang-TV.
Ang galing ng mga action scene, napakagaling din dito ni Bong na ‘di mo maiisip na naaksidente dahil sa husay sa pagganap sa mga mahihirap na maaksyong eksena na siya mismo ang gumawa.
At take note, kitang kita na si Sen Bong mismo ang gumagawa ng buwis buhay na aksiyon na di man lang gumamit ng dobol.
Nagpapasalamat nga si Bong sa GMA 7 dahil sa suportang ibinibigay sa kanya sa matagal na panahon, kaya naman ‘di pa naipalalabas ang season 3 ay ikinakasa na ang season 4.
Magsisimulang mapanood sa Dec. 22 ang season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA 7, sa mahusay na direksiyon nina Enzo Williams at Rechie del Carmen, handog ng Imus Productions at GMA 7. Mercy Lejarde