Home Uncategorized Phivolcs modernization lusot na sa Kamara

Phivolcs modernization lusot na sa Kamara

Manila, Philippines – Ipinasa nasa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 10730 na nagsusulong upang baguhin at momodernisa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang panukalang batas na tatawaging PHIVOLCS Modernization Act na pangunahing inakda ni Rep. Carlito Marquez sa pamamagitan ng botong 183 mula sa mga mambabatas.

Sa ilalim ng panukala, kabilang sa babaguhin ay ang technological operational capacity ng PHIVOLCS upang mapalakas at masiguro ang kagalingan ng ahensya sa pagtaya sa mga sakuna mula sa pagputok ng bulkan, lindol, tsunami at iba pang katulad na geotectonic phenomena.

Sa pamamagitan din ng HB 10730 ay matutukoy na ang mailalatag ang pangunahing layunin ng ahensya na maging center of excellence sa paghahatid ng mga impormasyon at iba pang serbisyo.

Nakapaloob din sa HB 10730 ang paglikha sa PHIVOLCS Modernization Fund na may alokasyon na P7 bilyon na magmumula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Bases Conversion and Development Authority, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, Philippine Ports Authority at sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Kasabay nito ay niratipikahan din ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report ang probisyon sa HB 6574 at SB 2200 o ang “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act”.

Bago natapos ang sesyon ay nagpaabot din ng pakikiramay ang Kamara kina ACT-CIS Party-list Reps. Erwin Tulfo at Jocelyn Tulfo, Quezon City 2nd District Rep. Wendel Tulfo, gayundin kay Lone District, Dinagat Islands Rep. Alan Ecleo, dahil sa pagpanaw ng kanilang mga ina.

Ang pakikiramay ng Kamara ay nakapaloob sa House Resolutions 1982, 1989, at 1997. (Meliza Maluntag)