Home NATIONWIDE Pigsa, bungang araw ibinabala sa gitna ng matinding init

Pigsa, bungang araw ibinabala sa gitna ng matinding init

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na ang matinding init ng panahon ay maaaring magdulot ng mga sakit tulad ng pigsa at bungang araw.

Ayon kay Ana Liza Solis, climate monitoring chief ng PAGASA, ang labis na pagpapawis sa ganitong panahon ay nagiging sanhi ng mga naturang kondisyon.

Dagdag pa ni Solis, posibleng makakuha rin ng water-borne diseases dahil sa kontaminadong tubig at mababang antas ng sanitation.

Pinayuhan niya ang publiko na magsuot ng preskong damit, magdala ng payong, at uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang epekto ng init. Santi Celario