MANILA, Philippines – Pinalawig ng MRT-3 ang gabi nitong operasyon sa mga karaniwang araw simula Marso 24, ayon sa Department of Transportation (DOTr). Magdaragdag din ng mga tren sa oras ng kasagsagan ng biyahe upang mapabilis ang paglalakbay ng mga pasahero.
Batay sa bagong iskedyul, ang North Avenue station ay magsasara na ng 10:25 p.m. para sa southbound trips, habang ang Taft Avenue station ay magsasara ng 11:04 p.m. para sa northbound trips. Ang unang biyahe ay mananatili sa 4:30 a.m. (North Avenue) at 5:05 a.m. (Taft Avenue).
Ang pagpapalawig ng oras ay ipinatupad makalipas ang isang linggo matapos itong ipag-utos ni DOTr Secretary Vince Dizon noong Marso 17 sa kanyang inspeksyon sa ilang istasyon.
Ang 16.9-kilometrong linya ng MRT-3 ay nag-uugnay sa North Avenue sa Quezon City at Taft Avenue sa Pasay City. Santi Celario