Home NATIONWIDE Sen. Padilla nagsumite pala ng counter-affidavit kaugnay ng reklamong obstruction of justice...

Sen. Padilla nagsumite pala ng counter-affidavit kaugnay ng reklamong obstruction of justice – Ombudsman

1
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na nagsumite pala ng counter-affidavit si Sen. Robin Padilla kaugnay ng reklamong obstruction of justice laban sa kanya.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, naisumite ni Padilla ang kanyang counter-affidavit, ngunit hindi ito naitala sa central records system dahil direkta itong isinumite sa dibisyong nagsisiyasat ng kaso.

Noong Hulyo 17, sinabi ni Remulla na “ignored” ni Padilla ang summons ng Ombudsman. Itinanggi ito ng senador at sinabing naisumite niya ang kanyang counter-affidavit noong Hulyo 9.

“In fact, I wrote to Senator Padilla about this because there was a problem in this office,” sabi ni Remulla.

“I wrote to him to explain this,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa reklamo sina Sen. Alan Peter Cayetano at dismissed Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, at kapwa na rin silang nagsumite ng kanilang counter-affidavits.

Ang reklamo ay inihain ng Tindig Pilipinas kaugnay ng umano’y pagtulong kina Cayetano, Aplasca, at Padilla sa pagtakas ni Sen. Bato Dela Rosa mula sa mga awtoridad noong Mayo.

Ayon sa CIDG, ang pagsakay ni Dela Rosa sa sasakyan ni Padilla ay hindi lamang simpleng “hitch ride” kundi isang planadong hakbang upang makaiwas sa pagtuklas habang umaalis sa Senate premises. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here