Home HOME BANNER STORY Pinas: Bagong polisiya ng Tsina vs ‘trespassers’ labag sa int’l law

Pinas: Bagong polisiya ng Tsina vs ‘trespassers’ labag sa int’l law

MANILA, Philippines- Direktang paglabag sa international law ang bagong polisiya ng Tsina ukol sa pagditene sa “trespassers” sa katubigan na inaangkin nito.

Para sa Pilipinas, labis na nakababahala ang huling aksyon na ginawa ng Beijing sa West Philippine Sea (WPS).

Giit ng Department of Foreign Affairs (DFA), hindi pwedeng ipatupad ng Tsina ang sarili nitong batas sa teritoryo ng isang sovereign state.

“Every sovereign state has the right to formulate and enact laws, including the enforcement of domestic legislation within its jurisdiction,” ayon sa DFA.

Ang kahalintulad na domestic laws ay hindi rin maaaring ikasa o ipatupad sa tinatawag na ‘high seas’ sa ilalim ng international law.

“A state’s domestic laws may not be applied and enforced in the territory, maritime zones or jurisdiction of other states, nor violate other sovereign states’ rights and entitlements under international law,” ayon pa sa departamento.

Para sa DFA, ang bagong regulasyon ng Tsina ay ipinalabas base sa 2021 Coast Guard law na isa ring “illegally expanded the maritime law enforement powers of China’s Coast Guard.”

“China would be in direct violation of international law should it enforce these new regulations in the waters and maritime features within the illegal, null and void, and expansive 10-dash line, which would effectively cover areas of the West Philippine Sea where the Philippines has sovereignty, sovereign rights and jurisdiction, or in the high seas,” giit ng DFA.

Ipinahayag nito ang pagkabahala sa “Regulations on Administrative Law Enforcement Procedures for Coast Guard Agencies” ng Tsina na inaprubahan at inanunsyo noong Mayo 15 at sinasabing magiging epektibo sa Hunyo 15.

Nakapaloob kasi sa bagong polisiya ng Tsina na pinapayagan nito ang China Coast Guard na iditene ng hanggang 60 araw nang walang paglilitis ang makikitang foreign trespassers na tatawid sa borders ng inanagkin nitong katubigan.

Ipinalabas ang bagong polisiya matapos magsagawa ang “Atin Ito” Coalition ng civilian convoy noong Mayo 15 hanggang 17 sa Scarborough Shoal (Panatag Shoal o Bajo de Masinloc) sa WPS, bahagi ng malawak na South China Sea na inaangkin ng Beijing.

Hiniling din ng DFA sa Tsina “to ensure that its relevant legislation clearly reflects and abide by its commitments and obligations under international law, particularly the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, and the binding 2016 Arbitral Award on the South China Sea, as well as the 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.”

Sa kabilang dako, inihayag muli ng DFA ang panawagan nito sa Tsina na sumunod sa international law at tumigil na sa anumang aksyon na mapagpapahina sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Samantala, matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan na ang bagong polisiya ng Tsina ay “completely unacceptable,” sabay sabing gagawin ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito para protektahan ang mga Pilipino sa gitna ng umiigting na tensyon sa pinagtatalunang katubigan. Kris Jose