Home NATIONWIDE Pinas dapat na matibay at matatag sa pinaigting na agresyon ng Tsina...

Pinas dapat na matibay at matatag sa pinaigting na agresyon ng Tsina sa WPS

MANILA, Philippines – DAPAT na maging matatag at matibay ang Pilipinas para sa umiigting na agresibong aksyon ng Tsina dahil sa panggigiit nito sa presensiya sa West Philippine Sea (WPS).

“Ito ay continuous struggle for presence and for assertion of sovereign rights in the area so you will have to expect these things to happen,” ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Sa ulat, may ginawa na naman kasing bagong harassment ang Tsina kung saan ang dalawang aircraft ng People’s Liberation Army Air Force ay nagsagawa ng ‘dangerous maneuvers’ at nagbagsak ng flares malapit sa Philippine Air Force aircraft na nagkataon na nagsasagawa ng isang maritime patrol sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) noong Agosto 8.

Samantala, tinitingnan na ng National Maritime Council ang naturang insidente.

Tinuran nito na patuloy na magpo-protesta ang Maynila sa agresibong aksyon ng Beijing.

Sinabi ni Teodoro na ang pagkakaroon ng patrol planes na in-escorts ng FA-50PH aircraft, ang sole fighter plane sa Air Force inventory, ay kailangan na pag-usapan.

Tinawag din niya ang Tsina na ang pinakabagong harassment ay bahagi ng “consistent behavior” nito

“They will stick to their narrative na alam natin there is no support whatsoever, all they have on their side is brute force, and might and that’s what they’re going (to) do. Hopefully, they (will) listen to reason and heed the appeals of not only the Philippines but other countries to temper their moves and act in accordance with international law,” aniya pa rin.

Sa hiwalay na panayam, tinawag naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. na “very dangerous,” ang ginawa ng Chinese aircraft.

“Very dangerous kasi for instance yung mga flare na yun ay nakarating dun sa ating aircraft, pwedeng mahigop dun sa propeller or sa intake or pwedeng masunog pati yung ating aircraft,” aniya pa rin.

Pinaalalahanan din ni Brawner ang lahat ng military pilots na huwag masindak sa aksyon ng Tsina at mangyaring ipagpatuloy lamang ang kanilang maritime patrols.

“Sabi nga ni Secretary Teodoro, makikita natin na itong occurrence ng ito in the future so tuloy-tuloy pa rin yung gagawin nating pagpatrolya,” ayon sa Kalihim.

PInayuhan din nito ang mga Filipino military pilots na magsagawa ng ‘evasive maneuvers’, sa bawat kanilang standard operating procedure, kapag nakaka-encounter ng foreign aircraft na nagsasagawa ng ‘dangerous maneuvers.’

Sinabi nito na iniuulat na ng AFP ang insidente sa Department of Foreign Affairs at sa mga kaugnay sa ahensiya ng gobyerno. Kris Jose