Home NATIONWIDE Pinas, itinutulak bilang oil storage hub ng Asya

Pinas, itinutulak bilang oil storage hub ng Asya

1
0

MANILA, Philippines – Itinutulak ng Department of Energy (DOE) ang Pilipinas bilang regional oil storage hub para sa ASEAN at maging sa buong Asya.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, maaaring magtayo ang ibang bansa ng storage facilities sa Pilipinas upang dito mag-imbak at mag-stockpile ng langis.

“We are marketing the Philippines to be a regional hub for the ASEAN community or even for the Asian community na pwede silang mag-build ng storage facility sa Pilipinas at pwede sila mag-store dito, mag-stockpile dito sa Pilipinas,” ani Garin.

Gayunman, sinabi ni Garin na dapat prayoridad ng Pilipinas ang suplay ng langis sakaling magkaroon ng emergency.

Nauna nang inihayag ng DOE na pinag-aaralan ng Saudi Arabia-based Aramco ang pagtatayo ng oil export hub sa Bataan. Ang lugar ay pag-aari ng state-run Philippine National Oil Company (PNOC).

Target din ang Bataan bilang lokasyon ng 15 milyong bariles na oil reserve sa ilalim ng national oil stockpiling program. Tinatayang P5 bilyon ang kailangan para sa pasilidad na kayang mag-imbak ng 500,000 hanggang isang milyong bariles.

Samantala, patuloy na nakikipag-usap ang DOE sa iba pang bansa upang mapalawak ang sources ng fuel supply at hindi umasa lamang sa Middle East.

Ayon kay Garin, pinag-aaralan din ng PNOC ang pagtatayo ng mga pasilidad upang madagdagan ang national oil reserve mula sa kasalukuyang humigit-kumulang 50 araw at posibleng umabot sa 120 araw na supply. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here