
NAGPAALAM na ang isang malaking kompanya na gumagawa ng maintenance, repair at overhaul (MRO) ng mga eroplano sa New Ninoy Aquino International Airport.
Lilipat umano ang Lufthansa Technik Philippines (LTP) sa ibang bansa na magaan ang pagtrato sa kanila ng pamahalaan para hindi malugi at magsara.
Nag-eempleyo ang LTP ng 3,000 libong magagaling na obrero sa paggawa ng MRO sa mga eroplanong Boeing 777, Airbus A320, A330, A340 at A380.
Hindi umano nila kayang magbayad ng P160 milyon buwan-buwang upa mula P14M ngayon sa kanilang pwesto na 226,000-square-meter sa MacroAsia Economic Zone sa Villamor Air Base at magiging epektibo ito sa Marso 14, 2025.
Simula nang ma-privatize ang NAIA, maniningil na ang bagong operator nito, New Ninoy Aquino International Airport Infrastructure Corp. (NNIC), ng P710 per square meter kada buwan na magpapataas sa P160M upa mula P14M.
Magtataas na rin ang passenger service charges (PSC) sa Setyembre 2025 ng 72 porsyento o P950 para sa biyaherong internasyonal at 95% o P390 para sa biyaherong lokal.
Ang Airline Operators Council naman ang nagrereklamo sa sobrang taas na singil umano sa PSC at hindi pa sila nakababawi umano sa unang pagtataas ng bayarin ng mga pasahero.
Sa ngayon, sa Pilipinas ipinagagawa ang mga nasabing eroplano at kaagaw nila ang Changi Airport, Singapore at Hong Kong airport sa pagiging suki sa MRO.
Nagsasagawa naman umano ang pamahalaan ng mga tugon o kalutasan sa mga problemang ito na naglalagay sa masamang larawan ng Pilipinas bilang magandang lugar ng pamumuhunan.
Paano kung lalayas nga sa Pilipinas ang katulad ng LTP sa halip na lilipat lang sa ibang lugar sa Pinas na hindi sakop ng NNIC?
Naku, baka hindi lang disgrasya sa kita, empleyong Pinoy at pambansang ekonomiya ang aabutin natin dito.
“Di ba sunod-sunod ang mga pagbagsak ng mga eroplano ngayon na tiyak na panganib sa lahat ng pasahero?