Home NATIONWIDE Pinas may sapat na pondo sa pag-repat ng OFWs hagip ng MidEast...

Pinas may sapat na pondo sa pag-repat ng OFWs hagip ng MidEast tension

146
0

MANILA, Philippines – May sapat na pondo ang gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong Overseas Filipino Workers sa Middle East sa gitna ng lumalalang krisis dahil sa giyera sa pagitan ng Iran, Amerika, at Israel.

Ito ang tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Bernard Olalia sa Kapihan sa Manila Hotel, pero aniya, asahan na kapag nagpatuloy ang krisis at lalo pang lumala ay mangangailangan ng karagdagang pondo.

Tiniyak din ng opisyal na handa ang DMW at iba pang mga government agencies na magbigay ng karampatang assistance sa mga OFWs.

Ayon kay Olalia, ang action fund ng DMW para sa mga OFWs ay ₱2 bilyon, habang sa OWWA naman na attached agency ay mayroon ding tinatawag na ERF o Emergency Repatriation Fund na ₱1.5 bilyon, ngunit nagastos na aniya ang iba sa unang quarter.

Para sa ikalawa o sa susunod na quarter, ang kanilang repatriation ay napakahalaga kaya ito, aniya, ang kanilang paghahandaan.

Sinabi pa ni Olalia na sumulat na rin sila sa Department of Budget at may mga bill na pending para sa agarang tulong sa kanilang action funds.

Sa ngayon, sinabi ni Olalia na may sapat pang pondo, pero asahan na kung ang krisis ay magpapatuloy at lalala ay kinakailangan pa ng karagdagang pondo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here