Home NATIONWIDE Pinas pahinga muna sa bagong milyonaryo sa lotto

Pinas pahinga muna sa bagong milyonaryo sa lotto

MANILA, Philippines – Pahinga muna ang Pilipinas sa pagkakaroon ng bagong milyonaryo sa lotto dahil walang nakatumbok sa bola nitong Huwebes, Marso 21.

Walang nakahula ng tamang kumbinasyon para sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 05-27-15-28-18-38 at may jackpot price na P68,010,599, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Dagdag pa ng PCSO na wala ring nanalo sa Lotto 6/42 na may winning digits na 09-07-12-13-10-14 at may premyong P5,940,000. RNT