Home NATIONWIDE Pinas pasasaklolo sa Czech sa modernisasyon ng AFP

Pinas pasasaklolo sa Czech sa modernisasyon ng AFP

MANILA, Philippines – UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng Czech Republic ang Pilipinas na gawing modernisado ang military nito sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Ipinahayag ito ng Pangulo sa kanyang joint press conference kasama si Czech President Petr Pavel nang uriratin ukol sa ‘defense cooperation’ sa pagitan ng dalawang bansa.

”We have based our discussions to the fact that the Czech Republic and the Philippines share the same values when it comes to the adherence to international law, that is something that, again, we find as a commonality between our two countries,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na kasalukuyang sumasailalim ngayon sa modernization program ang AFP na nangangailangan ng “great deal of procurement that needs to be done to modernize our forces and our capabilities.”

“The Czech Republic has always been an important part of that development, of that evolution,” aniya pa rin.

”And we our hoping that that would continue, not only at the present level but at the higher level,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Tinuran pa ni Pangulong Marcos na binanggit niya kay Czech President Petr Pavel ang situwasyon sa WPS.

“I underscored that the Philippine position on the South China Sea remains consistent, clear, and firmly anchored in the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sinabi pa rin ng Pangulo kay Pavel na sa kabila ng nakalulungkot at tuloy-tuloy na insidente ng agresyon at harassment ng Tsina sa naturang lugar, hindi naman tumitigil ang Pilipinas na maka-ugnay ang lahat ng kalapit-bansa nito at stakeholders sa pamamagitan ng diplomasya at dayalogo.

Ani Pavel, ganap na suportado ng Czech Republic ang Pilipinas pagdating sa tiyakin ang ‘global at regional stability.’

Aniya, ang katatagan sa rehiyon ay makaaapekto sa daloy at galaw ng kalakal sa Europa.

”To us, South China Sea may seem to be far, far away but if you take into account the percentage or share of world or global trade that passes through this area, any disruption on these routes would have an adverse impact on Europe,” ang sinabi ni Pavel sa pamamagitan ng isang translator.

Aniya pa, ang epekto ay maaaring hindi lamang sa kaanyuan ng kakapusan ng kalakal kundi maging sa sumisirit na presyo nito kaya dapat lamang na pag-ukulan ng pansin ang usaping ito.

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Pavel para sa suporta ng Czech Republic bilang isang like-minded partner, na panindigan ang kapayapaan, katatagan at ang rules-based international order.

Aniya pa, ang kanyang naging state visit ay patunay lamang ng ‘commitment’ ng Pilipinas na mas lalong pagyamain ang ugnayan at pagkakaibigan sa Czech Republic at pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa at mamamayan nito. Kris Jose

Previous articleCHED chief De Vera kinasuhan sa Ombudsman
Next articleSenior citizen assistance program, inilipat ng DSWD sa NCSC