MANILA, Philippines – Ang Pilipinas ang pinaka-mabigat ang trapiko sa Asya noong 2025, ayon sa TomTom Traffic Index, na may congestion level na 45%, na sinundan ng India at Singapore na parehong may 37%.
Ayon sa index, ang congestion level ay ang karaniwang dagdag na oras ng pagbiyahe kumpara sa kondisyon ng walang trapiko.
Nanatiling pinaka-mabigat ang trapiko sa Davao City sa Pilipinas, na pumangatlo sa 12th global ranking sa 482 lungsod, na may average congestion level na 66.2%.
Ayon sa ulat, ang Davao City ay pang-apat sa 75 bansa sa Asya sa antas ng trapiko.
Ang karaniwang distansyang natatakbo sa loob ng lungsod sa loob ng 15 minuto ay 4.4 kilometro, at ang oras na nasasayang sa rush hour traffic ay 168 oras (pitong araw at 40 minuto).
Ang 10-kilometrong biyahe ay tumatagal ng average na 34 minuto at 17 segundo, at ang average na bilis tuwing rush hour ay 14 km/h.
Nasa listahan din ang Maynila, na nasa ika-40 puwesto sa buong mundo at ika-12 sa Asya, na may average congestion level na 57%.
Ito ay pagbaba mula sa ika-27 puwesto global at 42% congestion level noong 2024.
Ayon sa ulat, ang karaniwang distansyang natatakbo sa loob ng Maynila sa loob ng 15 minuto ay 4.4 kilometro, at ang oras na nasasayang sa trapiko ay 143 oras (limang araw at 23 oras).
Ang 10-kilometrong biyahe ay tumatagal ng average na 31 minuto at 45 segundo, at ang average na bilis tuwing rush hour ay 15.2 km/h.
Binanggit ng TomTom na ang mataas na congestion level ay hindi nangangahulugang pinakamabagal na average speed, dahil ang congestion ay sinusukat batay sa free-flow conditions at imprastruktura ng bawat lungsod. Dave Baluyot