Home NATIONWIDE Pinas sa NoKor: Missile tests itigil

Pinas sa NoKor: Missile tests itigil

MANILA, Philippines – NANAWAGAN ang gobyerno ng Pilipinas sa North Korea (NoKor) na “immediately cease” ang missile tests nito sa gitna ng pinakabagong paglulunsad ng multiple short-range ballistic missiles sa East Sea noong Nov. 5.

Sa isang kalatas, muling inulit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang “provocative actions” ng NoKor ay makapagpapahina sa progreso ng ekonomiya at katatagan sa Korean Peninsula at sa mas malawak na Indo-Pacific region.

“The Philippines expresses serious concern and strongly denounces the continuing ballistic missile launches conducted by the Democratic People’s Republic of Korea (DPRK),” ayon sa DFA.

“We reiterate our call for the DPRK to immediately cease these activities and abide by all international obligations, including relevant UN (United Nations) Security Council Resolutions, and to commit to peaceful and constructive dialogue,” ang sinabi pa rin ng departamento.

Sa ulat, noong nakaraang linggo ay ipinagmalaki ng North Korea ang matagumpay na pagpapalipad ng Hwasong-19 Intercontinental Ballistic Missiles na itinuturing nilan pinakamalakas sa buong mundo.

Dahl dito, nananatiling nakabantay at nakaalerto ang South Korea matapos ang panibagong pagpapalipad ng ballistic missiles ng North Korea.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng South Korea, na nagpalipad muli ang North Korea ng ballistic missiles patungo sa East Sea o kilala bilang Sea of Japan.

Patuloy din ang ugnayan ng South Korea sa mga otoridad ng US at Japan ukol sa panibagong missile launch ng North Korea.

Ang missile ay lumipad ng 400 kilometers ang taas na ito ay inilunsad sa Sariwon area na matatagpuan sa timog bahagi ng Pyongyang.

Samantala, umaasa naman ang DFA para sa “lasting peace on the Korean Peninsula,” kasabay ng panawagan nito para sa “complete, verifiable, and irreversible denuclearization” ng North Korea. Kris Jose