Home NATIONWIDE Pinas uulanin sa easterlies sa EDSA 1 anniversary

Pinas uulanin sa easterlies sa EDSA 1 anniversary

142
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ngayong Pebrero 25, anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, dulot ng easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 4 a.m. bulletin nito, sinabi ng PAGASA na iiral ang easterlies sa buong bansa na magdadala ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan.

Nagbabala rin ang weather bureau sa posibleng flash floods o landslides tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Dagdag pa ng PAGASA, wala itong binabantayang low pressure area na maaaring maging bagyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here