Home NATIONWIDE Pinas, walang national contingency plan sa sirit-presyo sa langis – Gatchalian

Pinas, walang national contingency plan sa sirit-presyo sa langis – Gatchalian

138
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na “concerning” na hanggang ngayon ay wala pa ring iisang at koordinadong national contingency plan ang pamahalaan para sa suplay ng langis ng bansa, 26 araw matapos magsimula ang sigalot sa Middle East.

Sa isang press conference, sinabi ni Gatchalian na ito ang isa sa kanyang natuklasan matapos ang unang organizational meeting ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy o PROTECT Committee noong Martes, Pebrero 24.

Binigyang-diin niya na mahalaga ang ganitong plano dahil dito ibabatay kung gaano kalaking pondo ang kakailanganin ng gobyerno upang tugunan ang krisis.

Isang araw matapos ideklara ni Pangulong Marcos ang state of national energy emergency, sinabi ni Gatchalian na pinatutunayan nito kung gaano kalala ang maaaring maging sitwasyon at kung bakit kailangang maghanda ng contingency measures.

“This declaration of a national energy emergency proves that our problems could worsen and that we really need to craft contingency measures,” aniya.

Hinimok ni Gatchalian ang pamahalaan na agad bumuo ng komprehensibong national contingency plan na maglalatag ng tiyak na aksiyon para sa iba’t ibang posibleng krisis. Aniya, bagamat nagsimula na ang Senado at Ehekutibo ng kani-kanilang framework—ang “PROTECT” sa Senado at “UPLIFT” sa Ehekutibo—dapat itong mauwi sa isang pinag-isang estratehiya.

Idinagdag niya na dapat masaklaw ng plano maging ang worst-case scenario kung saan tuluyang mawawalan ng suplay ng langis ang bansa, babala niyang hindi ito malayong mangyari dahil wala pang matibay na supply agreement.

Ayon pa sa senador, ang contingency plan din ang magsisilbing batayan kung kakailanganin ang supplemental budget o isang Bayanihan 3 measure upang epektibong makatugon ang pamahalaan.

Sinabi rin ni Gatchalian na may ginagawa na ang gobyerno, ngunit hindi pa sapat ang bilis ng tugon. Tinukoy niya na noong Marso 24, nasa 200,000 pa lamang ang nabigyan ng ayuda sa sektor ng transportasyon, samantalang umaabot sa 900,000 hanggang halos 1 milyon ang kabuuang bilang ng mga nasa sektor, mula tricycle at jeepney driver hanggang bus worker.

Aniya, sa ngayon ay nasa Metro Manila pa lamang naipamamahagi ang subsidy.

“If we count the entire transport sector, it’s around 900,000 to close to about 1 million—this includes everyone, from tricycle to jeepney drivers to buses. So far, those receiving assistance or subsidies are only here in Metro Manila,” aniya.

“At that point, the distribution of subsidies should be fast because all public utility drivers are currently experiencing intense pressure since their take-home pay has already decreased. Every day they load fuel, but fares are not increasing. So that means their income is shrinking. And because of that, the government needs to step in,” dagdag niya.

Gayunman, sinabi ni Gatchalian na ang pinakamahalagang bahagi ng Executive Order sa ilalim ng UPLIFT ay ang probisyon nito sa enerhiya, na nag-uutos sa Energy Secretary na gawin ang lahat upang matiyak ang matatag na suplay sa makatwirang presyo.

“So the important thing I see is that this is where our diplomatic relationships with other countries come into play…We need to have government-to-government arrangements in order for us to secure a firm supply,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here