Home METRO Wanted na lider ng criminal syndicate, timbog!

Wanted na lider ng criminal syndicate, timbog!

133
0

BULACAN- Nasukol at nakorner ng mga awtoridad ang umano’y kilabot na lider ng isang criminal group na wanted sa patung-patong na kaso krimen sa ikinasang manhunt operation ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) Tracker Team, Police Regional Office 3 at Rizal PNP sa Sitio Putol, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na isang 29 anyos na lalaki na lider umano ng “Reasonable Criminal Gang ” na inuugnay sa umano’y sunud-sunod na insidente ng pagnanakaw sa mga bayan ng Bocaue, Bustos, Calumpit at Balagtas, Bulacan gayundin sa ilang Lugar sa Rizal.

Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot umano nito sa naganap na hold-up kamakailan sa bayan ng Calumpit, Bulacan.

Nadakip ang suspek sa bisa ng patung-patong na Warrant of Arrest na inisyu ng Korte.

Narekober din sa suspek ang iba’t-ibang (assorted) alahas na natangay sa mga biktima, mamahaling Gadgets (Cellphone at Tablet, isang (1) 9mm na baril at mga bala, mga pekeng ID at cash na tinatayang aabot sa halagang P187,000.

Sa ulat, napag-alaman na ang suspek ay may mga nakabinbin din umanong kaso sa lalawigan ng Rizal.

Nasa kustodiya na nang Calumpit Municipal Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (Roel Tarayao) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here