Home NATIONWIDE Pinay na papuntang China arestado sa NAIA

Pinay na papuntang China arestado sa NAIA

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae sa Ninoy Aquino International Airport na patungo sanang China matapos mapatunayang mayroon itong outstanding arrest warrant para sa pag-iisyu ng mga bouncing check.

Batay sa ulat, ang naturang babae ay isang Pinay na pasahero sa flight papuntang Guangzhou nang siya ay mahuli sa Terminal 3 ng NAIA noong Sabado ng hapon.

Ayon sa Bureau of Immigration, lumabas sa routine check na ang babae ay mayroong outstanding warrant para sa paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22 o ang Anti-Bouncing Checks Law.

Matapos makumpirma ang kanyang warrant, ipinaalam ng BI ang nasabing insidente sa airport police kung saan nakipag-ugnayan naman ito sa Manila Police District para sa pag-aresto sa Pinay.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan ang nasabing Pinay na may inirekomendang piyansa sa halagang P12,000. JR Reyes