Home NATIONWIDE Pinoy na nagpapakasal, kumokonti – CPD

Pinoy na nagpapakasal, kumokonti – CPD

1
0

MANILA, Philippines — Mas kaunti na ang mga Pilipinong nagpapakasal habang patuloy na naaapektuhan ng kalagayang pang-ekonomiya, nagbabagong pangarap, at iba’t ibang anyo ng pagbuo ng pamilya ang household dynamics sa bansa, ayon sa Commission on Population and Development nitong Martes.

Sinabi ni CPD Undersecretary Lisa Grace Bersales na ang pagbaba ng bilang ng formal marriages ay nagpapakita na nagbabago ang pamilyang Pilipino at kailangang umangkop ang mga polisiya sa bagong pangangailangan ng mga pamilya.

“The data clearly show that the Filipino family is evolving. This reflects changing economic realities, shifting aspirations, and emerging pathways to family formation,” ani Bersales.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ng 13.5 percent ang registered marriages sa nakalipas na 10 taon, mula 429,723 noong 2014 sa 371,825 noong 2024.

Ayon sa CPD, pansamantalang naputol ang downward trend matapos ang Covid-19 pandemic, nang bumaba sa 240,775 ang marriages noong 2020 ngunit umakyat sa 449,428 noong 2022 dahil natuloy ang mga kasalang naantala noong pandemya. Muling bumaba ang bilang noong 2023 sa 414,213, o 7.8 percent na pagbaba, at noong 2024 sa 371,825, o karagdagang 10.2 percent na pagbaba.

Sinabi ng ahensiya na may mas malawak na epekto ang pagbabago sa marriage patterns sa fertility intentions, child well-being, social protection, housing, education, at long-term development planning.

“Our policies must evolve as well to ensure that every Filipino family has the opportunity to thrive regardless of its structure,” ani Bersales.

“We, in the government, should acknowledge these dynamics and protect them, as we are mandated to do.”

Napansin din ng CPD na mas huli nang nagpapakasal ang mga Pilipino. Noong 2024, ang median age at marriage ay 30 taon para sa mga lalaki at 28 taon para sa mga babae, mas mataas kumpara sa 28 taon para sa lalaki at 26 taon para sa babae noong 2015. Pinakamalaki pa rin ang bahagi ng newlyweds mula sa edad 25 hanggang 29.

“The increase in the median age at marriage suggests that many Filipinos are entering marriage later in life, reflecting changing educational, employment and economic circumstances,” ayon sa CPD.

Naitala sa Calabarzon ang pinakamataas na bilang ng marriages noong 2024 sa 54,981, o 14.8 percent ng national total, kasunod ang National Capital Region na may 48,448 o 13 percent, at Central Luzon na may 42,227 o 11.4 percent. Sa kabuuan, ang tatlong rehiyon ay bumuo ng 39.2 percent ng lahat ng registered marriages sa bansa.

Pebrero pa rin ang pinakapopular na buwan para sa kasal, na may 46,130 ceremonies o 12.4 percent ng annual total, habang Nobyembre ang may pinakamababang bilang na 20,368 o 5.5 percent.

Mas marami pa rin ang civil weddings kaysa church weddings. Sa kabuuang marriages noong 2024, nasa 155,604 o 41.8 percent ang isinagawa sa pamamagitan ng civil ceremonies. Ang Roman Catholic weddings ay bumuo ng 31.7 percent, habang ang marriages na pinangasiwaan ng iba pang religious groups ay nasa 24.1 percent.

Kasabay ng pagbaba ng formal marriages ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nasa common-law o live-in arrangements. Batay sa 2020 Census of Population and Housing, sinabi ng CPD na 12.66 million Filipinos ang nasa common-law relationships, kabilang ang 6.36 million males at 6.30 million females.

Ipinakita rin ng 2025 National Demographic and Health Survey na tumaas sa 20.5 percent noong 2025 mula 18.8 percent noong 2022 ang proportion ng women aged 15 to 49 na nakikipamuhay sa kanilang partner. Ayon sa CPD, apat na beses na itong mas mataas kumpara sa 5 percent noong 1993.

“For many couples, living together has become a practical arrangement shaped by economic realities, changing social norms and individual aspirations,” ayon sa CPD.

Binanggit din ng ahensiya ang mga pag-aaral na nagpapakitang maraming Pilipinong magkapareha ang tumitingin sa formal marriage bilang “expensive,” habang ang cohabitation ay nakikitang mas accessible na arrangement sa gitna ng unintended pregnancy at tumataas na gastos sa pamumuhay.

Makikita rin ang trend sa birth statistics. Batay sa 2023 Civil Registration and Vital Statistics, may 842,728 births outside marriage kumpara sa 605,794 births sa mga magkaparehang nasa formal unions.

Ayon kay Bersales, kailangang tumugon ang mga polisiya ng pamahalaan sa nagbabagong family arrangements habang tinitiyak ang proteksiyon at access sa serbisyo ng mga pamilya.

“Government has a responsibility to create an environment where Filipinos who aspire to marry and raise families are not constrained by financial hardship or unnecessary barriers. At the same time, we must ensure that women, children, and families in informal unions receive appropriate protection and access to essential services.”

Nagpahayag din ng pagkabahala ang CPD sa child marriage. Bagama’t bumaba ang bilang ng adolescent marriages sa nakalipas na dekada, sinabi ng ahensiya na bawat kaso ay nananatiling seryosong usapin dahil sa pangmatagalang epekto nito sa edukasyon, kalusugan, proteksiyon, at kinabukasan ng mga kabataan.

Noong 2024, nasa 3.2 percent ng registered marriages ang may kasamang adolescent male o adolescent female. Ayon sa CPD, ang female adolescents ay madalas na ikinakasal sa mas matatandang partner, na may age gaps mula isa hanggang siyam na taon hanggang higit 20 taon, habang 10.7 percent naman ng adolescent males ang ikinasal sa mas matatandang babae.

Sinabi ni Bersales na pinagtitibay ng Republic Act No. 11596, na nagbabawal sa child marriage, ang tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang mga bata.

“Republic Act No. 11596 affirms our commitment to protecting every Filipino child from early marriage. Child marriage deprives young people of opportunities to complete their education, safeguard their health, and make informed choices about their future. Every Filipino adolescent deserves the opportunity to realize their full potential,” ani Bersales. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here