Home HOME BANNER STORY Pinoys na espiya ng Tsina, nabuking ng NSC

Pinoys na espiya ng Tsina, nabuking ng NSC

142
0

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Security Council (NSC) na may natuklasang “serious national security matter” ang mga awtoridad kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ng ilang Pilipino sa “espionage and foreign-directed malign activities” na may kaugnayan sa People’s Republic of China.

Sa pahayag ng NSC, sinabi nitong natigil na ang operasyon ng mga indibidwal na umano’y kumikilos para sa Chinese intelligence.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye ang konseho kung paano natuklasan at tinugunan ang naturang mga aktibidad dahil sa usaping pambansang seguridad.

“For reasons of national security, we cannot discuss identities, methods, or timelines so as not to jeopardize ongoing operations. Nonetheless, necessary actions have been taken against the individuals concerned — all Filipino nationals — who have all confessed their complicity in espionage activities and are cooperating with authorities,” pahayag ng NSA.

Ayon sa NSC, resulta ng pinagsanib na operasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng Insider Threat Program ang pagkakaaresto sa mga sangkot.

Layunin ng programang ito na protektahan ang sensitibong impormasyon, kakayahan, at operasyon ng pamahalaan laban sa foreign espionage at iba pang mapanirang aktibidad.

“We assure the public that safeguards are in place and working, and our security agencies remain proactive and vigilant, leading to the success of Philippine counterintelligence operations,” dagdag ng NSC.

Nanawagan din ang konseho sa Kongreso na bigyang prayoridad ang pagpasa ng dalawang panukalang batas na magpapalakas sa kakayahan ng bansa laban sa foreign interference—ang bagong Anti-Espionage Bill na papalit sa Commonwealth Act 616 at ang Anti-Foreign Malign Influence and Interference Act.

“When passed into law, these measures would expand the investigative powers of (the) government, allow the prevention and disruption of hostile operations and networks, and protect our sensitive information and critical infrastructure,” ayon sa NSC. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here